Napanatili ni Nordine Oubaali ng France ang kanyang WBC bantamweight title nang mapabagsak at mapatigil sa 6th roung ng kanilag laban si Filipino challenger Arthur Villanueva kahapon sa Barys Arena sa Nur-Sultan, Kazakhstan.

Nakipagsabayan si Villanueva kay Oubaali sa loob ng limang rounds ngunit napabagsak siya ng Frenchman sa 6th round at hindi na tumayo para lumaban sa 7th round.

“The unbeaten two-time French Olympian successfully defended his bantamweight title for the first time after forcing Philippines’ Arthur Villanueva to retire in his corner in their ESPN+ title fight Saturday evening,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com.

“Oubaali was steady with his jab and straight left hand, the latter rocking Villanueva on several occasions. The overmatched challenger was rocked in rounds three and four but managed to make it out of the round on each occasion,” dagdag sa ulat. “It would remain the case through six rounds, though not before Villanueva was forced to taste the canvas in the bout’s lone knockdown.”

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Napaganda ni Oubaali ang kanyang kartada sa perpektong 16 panalo, 12 sa pamamagitan ng knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Vilanueva sa 32-4-1 win-loss-draw na may 19 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña