Susubukan ng lupon ng Philippine Olympic Committee na remedyuhan ngayong tanghali ang lumalaking gusot sa loob ng organisasyon sa pamamgitan ng kanilang Special Board Meeting na gaganapin sa kanilang tanggapan sa Philsports sa Pasig City.

Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ng International Olympic Committtee (IOC) at Olympic Council of Asia sa POC Board na magsagawa ng Special Board Meeting upang tukuyin ang kanilang isyu sa liderato at pag-usapan ang tungkol sa nalalapit na eleksyon sa darating na Hulyo 28.

Una nang nagpadala ng liham ang Director ng IOC na si James Macleod sa POC na nagsasaad na paiwasin muna ang mga miyembro na nagpahayag ng kanilang intensyon sa pagtakbo sa eleksyon sa magaganap na pagpupulong ngayong araw na ito.

“Any individual whose position is disputed and/or may be subject to any interpretation (namely the four positions of chairman, president and the two Executive BOard members who have resigned; the position of “immediate past president”and the position of Secretary General) should abstain from participating in this meeting, to avoid any further disputes or challenges, and in the interest of the POC as an institution”. ayon sa liham.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nagpahayag na ng kanyang intensyon si Bambol Tolentino na tumakbo bilang presidente at nagpahayag na din na hindi siya dadalo sa pagpupulong ngayong araw na ito.

Samantala, makalipas ang Special Board Meeting na ito ay magkakaroon naman ng Genral Assembly sa Hulyo 18 ayon pa rin sa direktiba ng IOC at OCA, kasunod ang pinakaabangang, eleksyon sa 28.

Kabuuang 45 miyembro ng POC ang may karapatan na bumoto sa darating na eleksyon, kabilang dito ang 42 regular national sports associations (NSA), dalawa sa athletes commission at isa mula sa IOC.

Magpapadala din ng kanilang kinatawan ang IOC at OCA upang obserbahan ang magaganap na pagpupulong na siya naman nitong iuulat sa nakakatataas.

-Annie Abad