OPISYAL na inilunsad kamakailan ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa probinsiya ng Pampanga ang public utility vehicle (PUV) modernization program caravan.

Ang hakbang na ito ay may layong maisulong ang kaalaman sa publiko hinggil sa PUV Modernization Program (PUVMP) ng administrasyong Duterte, kung saan tungkulin ng LTFRB ang pagpapatupad ng programa para sa mas mapagkakatiwalaan, ligtas, sapat, environment-friendly, makatutulong at komportableng public transportation service.

Iba’t ibang modernong PUV units ang itinampok sa paglulunsad ng caravan na idinaos sa isang Mall sa Pampanga.

Sa pagbabahagi ni Manny Camagay, pinuno ng Office of Transport Cooperatives (OTC) PUVMP-Project Management Office, sinabi nitong ang mga modernong PUV units ay tatakbo gamit ang environment-friendly system, at ligtas at komportableng sasakyan para sa pagbiyahe.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ipinaliwanag din ni Camagay sa mga drayber na namamasada sa Pampanga ang benepisyong hatid ng programa na magpapataas ng kanilang kita sa halip na sa boundary lamang mapunta, ang maayos na pamamahala, mas mababang gastos at mas mataas na kita sa pamamagitan ng kooperatiba, at iba pa.

Sa ilalim ng PUV modernization program, ang mga jeepney na katulad ng mga minibuses ngunit tinatawag na “modernized jeepneys” ay may class 1 patungong class 3, depende sa kapasidad at laki.

Ayon kay Camagay, ilang modernized jeepney ang electric, solar-powered, Euro 4, habang ang iba ay tumatakbo sa Euro 6 diesel.

“Although it is sad to see our native jeepneys disappear, I think the modernized PUVs are built for comfort, safety and cost,” ani Edgar dela Cruz, isa sa mga drayber na namamasada sa San Fernando City.

Ang mga modernong jeepney ay may libreng wi-fi, USB charge ports, personal fans, air conditioner, automatic fare collection systems, na mas komportable bilang konsiderasyon sa mga persons with disabilities (PWDs).

Ayon sa ahensiya, ang PUVMP ay hindi lamang isang vehicle modernization program, ngunit isang komprehensibong sistema ng reporma na magbabago sa industriya ng public land transportation industry.

Tampok din dito ang regulatory reform at mga bagong panuntunan para sa paglalabas ng prangkisa para sa road-based public transport services.

-PNA