INILABAS na ng Disney ang unang pasilip para sa live-action remake ng 1998 animated film na Mulan nitong Lunes.
Mapapanood sa teaser ang eksena ng isang epic battle scenes na inaabangan sa pelikula.
“It is my duty… to fight,” sinabi ni Mulan sa pagtatapos ng clip.
Ang Mulan ay kuwento ni Hua Mulan, na nagpanggap na lalaki upang pumalit sa kanyang ama sa Imperial army.
Bida sa pelikula si Yifei Liu bilang si Mulan, kasama sina Jet Li bilang Emperor, Donnie Yen bilang Commander Tung, at Gong Xi bilang Xian Lang.
Ipalalabas ang pelikula sa Marso 27, 2020 sa direksyon ni Niki Caro.
-MARJALEEN RAMOS