SA mediacon para sa Book 3 ng Kadenang Ginto kamakailan ay nag-react si Dimples Romana sa viral na memes ng karakter niya sa serye na si Daniela Mondragon.

Dimples (Mula sa ABS-CBN Entertainment)

Nag-viral kasi nang itampok sa iba’t ibang lugar, using Photoshop, ang litrato ni Daniela na nakasuot ng pulang long gown at may bitbit na pula ring maleta.

Kuwento ni Dimples, tuwing gigising siya sa umaga ay nagugulat siya dahil ang nasabing eksena na naglalakad siya sa kalye ay kung saan-saan na “nakarating” sa buong Pilipinas sa kaka-edit ng fans. Naroong may kasama siyang kalabaw, nakaakyat sa puno ng buko, napunta sa moon, napunta sa underwater, at may kasama rin sa class picture.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“At kasama rin ako sa K-Pop ng Blackpink, sa Ang Probinsyano, at inire-request ng mga tao na mag-guest daw ako sa Probinsyano. Ewan ko kung paano gagawin ‘yun.

“Sa totoo lang, the Kadenang Ginto success now would not be like this kung hindi kasarap magmahal ng viewers namin,” saad ni Dimples.

Pinaglaruan kasi ng netizens ang eksenang iyon ni Dimples, at kung saan-saan na dinala ang karakter niyang si Daniela, kaya ang caption ay “Daniela is everywhere”.

“That walking scene along the street of Daniela was not part of the shot list, sabi lang sa akin, ‘Ms Dimples lalakad ka lang naka-dress ka lang’. So ‘yung mukha ni Daniela iritang-irita siya kasi naglalakad siya.

“May mga lugar sa Pilipinas na hindi ko pa napuntahan as a person at napuntahan na nu’ng meme ko, and thru that meme I get to see the different parts of the Philippines,” natatawang kuwento ng aktres.

Naikuwento rin ni Dimples na pati ang asawa niya ay aliw na aliw sa mga memes niya, at nagpaalam pa nga ito sa kanya kung puwedeng i-repost ang mga iyon.

“Inisip ko, papayag ba ako? Tapos inisip ko na okay naman kaya pinayagan ko.

“Aba’y hindi ko naman akalain na e-effort-an niya. Kaya doon lumabas ‘yung pagiging Daniela Mondragon ko, because I’m not Daniella Mondragon for nothing.

“Well, naghanap ako ng pictures niya na puwede ko ring gawing meme, so gumawa ako ng memes niya at sa Facebook ko lang inilagay (naka-private), kasi kung sa Instagram ko ilalagay baka wala na tayong uwian (iiwan siya).

“So meron kaming memoir na ganyan. Parang nae-enjoy lang namin because it’s such a good vibes show.

“Ang sarap sa pakiramdam na ang mga viewers ay nakukuha namin ang loob nila. Ang sarap, kaya nagpapasalamat kami sa kanila,” sabi pa ng aktres.

At sa Book 3 ng Kadenang Ginto ay papasok na ang karakter ni Richard Yap bilang si Leon, na makakaeksena rin nila ni Beauty Gonzales.

Panoorin ang Kadenang Ginto tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Para sa updates, pumunta lang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.

-Reggee Bonoan