Pinagbabaril at napatay ng riding in-tandem ang isang barangay chairman na isa ring kontratista sa Barangay Paraiso, Tarlac City, nitong Linggo ng hapon.

KAP

Ang biktima ay kinilala ni Tarlac City Police chief, Lt. Col. Joel Luzung Mendoza na si Allan San Sebastian, 52, may-asawa, ng nasabing lugar.

Dead on the spot si San Sebastian dahil sa mga tama ng bala ng baril sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

Natukoy sa pagsisiyasat ng pulisya, ang insidente ay naganap sa Mabini St., dakong 2:45 ng hapon.

Bago aniya ang insidente ay nagtungo si San Sebastian sa isang construction site na proyekto nito sa Mabini Street.

Habang kausap ang backhoe operator na si Rommel Estocapio, 35, ay biglang dumating ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Ang insidente ay nahagip ng closed-circuit television (CCTV) camera kaya natukoy ang plaka ng nasabing get-away vehicle ng mga suspek.

Apat na basyo ng bala at isa pang deformed na bala ang narekober sa crime scene.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek at motibo ng mga ito.

-Leandro Alborote