Isang eco-friendly shopping bag companya ang nakipag-teamed up sa isang marketing agency at elementary school upang maagaw ang Guinness record para sa “world's largest jute bag.”
Sa ulat ng United Press International, nagtulungan ang Cotton Bag Co., at ang digital marketing agency Varn kasama ang mga estudyante ng Fitzmaurice Primary School sa Bradford-on-Avon, England, upang mabuo ang ang isang reusable shopping bag na may sukat na 73.8 feet na lawak at 47.9 ft na taas.
Gawa ang bag sa vegetable fiber jute, na tagumpay na nahigitan ang dating rewcord holder, na binuo ng Saudi Arabia.
Ayon sa Cotton Bag Co. kasya sa shopping bag ang 1,898,794 water bottles, na nakatakdang putulin sa mas maliit na sukat para magamit ng mga mag-aaral sa pagbuo ng mas maliit na mga bag at pencil case.