Makalipas ang lindol sa Souhtern California, tuloy ang bakbakan ng NBA Summer League.

Bagama’t dalawang laro ang nakansela, nagawa pa rin na makapaglaro ng maayos ng mga NBA players sa nasabing Summer League.

Si Tony Bradley ay tumipa ng kanyang 19 puntos at 14 rebounds matapos na pataobin ng Utah Jazz ang Oklahoma City Thunder 78-68 Sabado, (LInggo ng umaga sa Manila).

Ang NBA Summer League games ay isinasagawa sa dalawang venues — sa Thomas & Mack Center at sa Cox Pavilion sa UNLV.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Ayon sa NBA nakumpleto nila ang survey sa dalawang magkahiwalay na enues kung saan ay ligtas naman na laruan ang mga naturang lugar matapos ang lindol.

Ang overhead scoreboard sa Thomas & Mack Center ay gumawal nang lumindol na siyang nagbigay ng pangamba sa tungkol sa kaligtsan ng mga manlalaro. Habang ang sahig naman ng Cox arena ay may kaunting pinsala na madaling nagawa.