Isang kakaibang tandem ang nagpapakitang gilas ngayon sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Lakan Season nito.

Ito ay ang duo ng dating Ginebra player na si jayJay Helterbrand at ang actor na si Gerald Anderson sa koponan ng Imus.

Kakaibang karanasan ang kanilang ipinapamalas ngayon sa mga basketball enthusiast sa pagsabak nila sa liga na may 31 koponan sa na nagsisilbing kinatawan ng mag siyudad sa buong bansa.

“Nung first game namin home crowd pa ng kalaban. Nag-free throw si Jay-jay sumigaw sila ng Ginebra, Ginebra,” ani Anderson.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Isang magandang pagkakataon para kay Anderson ang makasama sa iisang koponan si Helterbrand.

Sa galing at lakas na ipinapamalas ni Helterbrand bukod pa sa kanyang naunang 17 taong paglalaro sa PBA isama na ang mga kapeonato na kanyang naibigay sa koponan ng Ginebra, ay wala na ngang mahihiling pa si Anderson sa isang kakampi.

“Yung experience niya, lahat ina-absorb ko,” ayon pa sa Kapamilya Star.

“It’s amazing. Fast and the Furious nga sila ni Mark Caguioa eh. Kami, Fast and the Pogi daw,” aniya.