Hindi pa rin ligtas kainin ang mga shellfish na hinahango sa apat na lugar sa bansa.

RED TIDE

Ito ang abiso kahapon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at sinabing nananatiling positibo sa mataas na paralytic shellfish toxin ang San Pedro Bay sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur; ang coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental.

Kahapon lamang inilabas ng BFAR ang Shellfish Bulletin na may petsang Hunyo 28 na positibo pa rin sa nakakalasong red tide ang nabanggit na mga lugar.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Gayunman, nilinaw ng BFAR na ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango na nahahango sa nasabing mga lugar hangga’t sariwa ang mga ito at nahugasan nang husto, at natanggal ang lahat ng lamang-loob bago pa lutuin.

-Beth Camia