LAS VEGAS —Ito ang siyang nais at kailangan ng NBA.

KAWHI

KAWHI

Magpapamalas ng bagong NBA sa mga tagasubaybay nito, gayung halos lahat ng koponan sa susunod na edisyon ay magkakaroon ng pagkakataon na makapagmalas ng kanilang mga bagong hulmang talento, na siyang magiging resulta ng rigodon.

Kung inaakala ninyo na ang LA Clippers ay magawawagi sa susunod na edisyon, o kaya naman ay ang Lakers, Utah, Philadelphia, Milwaukee, Houston, Denver, o kahit ang Golden State at kahit ang iba pa, hindi kayo nagkakamali!.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Sa ngayon ang pinakaabangan sa susunod na labanan ay ang paglipat ni Kawhi Leonard sa Clippers matapos niyang biogyan ng kampeonato ang Toronto Raptors at ang pagsasama ni Paul George sa iisang koponan ang tiyak na magbibigay anghang sa mga laro ng next season ng NBA.

Inaasahan na sa pagsasanib puwersa ng dalawang manlalaro ay mabibigyan nila ng korona ang Clippers para sa 2020 NBA championship na matagal nang inaasam ng koponan.

Kung tutuusin ay mas naging matunog ang naganap na free agency ng NBA noong nakraang taon, kung saan kinuha ng Warriors si DeMarcus Cousins at umasang magdadagdag ito ng lakas sa koponan upang makasungkit muli ng korona sa ikatlong pagfkakataon. Ngunit bigo sila.

Samantala, bumalik naman sa koponan ng Milwaukee ang reigning MVP na si Giannis Antetokounmpo kasama ang shooting guard na si Khris Middleton, kaya naman isa din sila sa tiyak na aabangang koponan sa susunod na taon.

Ilan lamang ito sa mga eksenang inabang ng karamihan at umaasa ang ilang NBA fanatics na magkaroon ng sapat na lakas ang kanilang mga hinahangaang koponan sa nasabing liga.