Aabot sa 19 na pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Taal Volcano sa Batangas sa nakaraang 24 oras.

TAAL

Sa pahayag Phivolcs, senyales lamang ito ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkan.

Gayunman, sinabi ng ahensya na hindi nagbago ang water temperature sa lawa ng main crater nito na nasa silangang bahagi ng bulkan.

Politics

86.9% sa solons na kumandidato at pirmado sa impeachment ni VP Sara, reelected sa Kamara!

Sa kasalukuyan, nasa level 1 pa rin ang alert status ng bulkan dahil sa pag-aalburoto nito.

Babala ng Phivolcs, mapanganib pa rin ang bulkan dahil sa posibleng “hazardous eruption” nito.

“The public is reminded that the main crater should be strictly off-limits because sudden steam explosions can occur and high concentrations of toxic volcanic gases can be released. The northern portion of the main crater rim, in the vicinity of Daang Kastila Trail, can also become hazardous when fumarolic or degassing activity along existing fissures suddenly increases,” ayon pa sa abiso ng Phivolcs.

-Ellalyn De Vera-Ruiz