Inabot ng higit dalawang araw ang isang soccer game sa sideline ng FIFA Women's World Cup sa France nitong nakaraang linggo, matapos abutin ng 69 oras ang laro at makapagtala ng Guinness World Record, ulat ng United Press International.
Inorganisa ng Equal Playing Field, isang NGO na nagsusulong ng kakabaihan sa sports ang game sa Lyon, kung saan tampok ang 807 players, kabilang ang mga professional athletes.
Natapos ang laro sa iskor na 404-369.
Ayon sa NGO, tagumpay ang game na mahigitan ang Guiness record para sa “largest number of players to appear continuously in a five-per-side match.”