Viral ngayon sa Chinese social media ang mga larawan at videos ng isang overweight, bald man na naka-pose bilang isang ‘Laughing Buddha’ sa isang stage sa China. Napaulat na inuulan ng pera ang lalaki tuwing nagpe-perform bilang Laughing Buddha na pinaniniwalaan ng mga tao na may dalang suwerte. Ang kanyang performance? Ang gayahin lamang ang posisyon ng iconic na Buddha habang nakalabas ang bilbil at nakangiti, na kinaaaliwan ng mga manonood.

BUDDHA

Sa pagbabahagi ng Oddity Central, ito na umano ang naging trabaho ng hindi pinangalanang lalaki, na bukod sa streets at staged performances, ay iniimbitahan din ng mga Chinese company upang magtanghal sa mga event habang sinimulan na rin niya ang pagla-live stream ng kanyang kakaibang pagtatanghal.

Gayunmaan, bagamat marami ang natatawa sa kanyang impersonation, may ilan ding bumabatikos sa kanya na sinabing ang paggaya niya sa Buddha ay maituturing na insulto sa deity.

Mga Pagdiriwang

Kyle Jennermann at misis, nakisayaw sa Obando