Iginiit ni Senator Sonny Angara ang pagdadagdag sa pensiyon ng mga senior citizens, at dodoblehin ito mula sa P500 buwan-buwan sa kasalukuyan.
Sa ngayon, ang P500 kada buwan na natatanggap ng mga edad 60 pataas ay katumbas lang ng P6,000 bawat taon.
Nais ni Angara na gawin itong P1,000 bawat buwan, o kabuuan P12,000 bawat taon.
“They took care of us when we were young, made several sacrifices to provide for our needs and when they reach their twilight years, many are left to fend for themselves,” ani Angara.
Aniya, retirado na ang mga senior citizens, at kung may ipon man, kulang ito sa pang-araw araw na pangangailangan ng matatanda, na mayroon nang regular na check-up sa doktor at maintenance medicines.
“We have to take into account factors such as inflation in reviewing the social pension of our senior citizens,” sabi pa ni Angara.
-Leonel M. Abasola