Pinarangalan ng Guiness World Records ang isang lalaki sa Italy na nangongolekta ng iba’t ibang newspaper mula noong bata pa ito.
Ayon sa Guiness, may koleksiyon si Sergio Bodini ng 1,444 iba’t ibang pahayagan mula sa 155 na bansa, na pasok para sa record ng “largest collection of newspapers - different titles.”
Ayon kay Bodini, sampung anyos pa lamang siya nang simulan niya ang koleksiyon na ngayon ay nakatago sa mga plastic boxes sa isang temperature-controlled cellar.
"When I was in school we had a class project about newspapers and I fell in love with journalism. My dream was to become a sport journalist... but I eventually ended up being a chemist," kuwento ni Bodini.