Isang 20-anyos na lalaki sa Lucknow, India, ang muntikan nang malibing ng buhay matapos ideklarang patay ng isang pribadong hospital, ulat ng Oddity Central.

balitang weirdo

Naaksidente si Mohammad Furqan noong Hunyo at isinugod sa ospital. Nasa kritikal siyang kondisyon at matapos maubos ang ipon ng kanilang pamilya sa pagbabayad ng kanyang medical bills, idineklara na siyang patay ng mga doktor.

Dahil dito, pinaghandaan na ng kanyang pamilya ang burol, ngunit matapos maiuwi ang kanyang katawan ng ambulansiya, nagulat ang kanyang kapatid ng makita na gumagalaw pa ang kamay nito. Ipinaalam niya ito sa kanyang pamilya at matapos masiguradong gumagalaw pa nga si Furqan agad nila itong isinugod sa isa pang ospital kung saan kinumpirma ng mga doktor na buhay pa ito.

“Devastated, we were preparing for the burial when some of us saw movement in his limbs,” pahayag ng kapatid ni Furqan. “We immediately took Furqan to the Ram Manohar Lohia hospital where the doctors said he was alive and have put him on ventilator support.”

ALAMIN: Bakit istrikto ang tingin ng iba sa librarians?

“We had paid Rs 7 lakh ($10,000) to the private hospital earlier and when we told them that we had run out of money, they had declared Furqan dead,” kuwento pa ng kapatid.

Ayon sa mga doktor, nasa kritikal na kondisyon si Fuqan ngunit hindi pa ito patay.

Dahil sa pangyayari, ipinag-utos ng lokal na pamahalaan sa lugar ang imbestigasyon sa pribadong ospital.