Pangungunahan ng Pilipinas Shell at Petro Gazz ang pagpapatupad sa dagdag-bawas sa petrolyo sa Martes.

PETROL

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Hulyo 9 ay magtataas ito ng 25 sentimos sa kada litro ng gasolina, habang magtatapyas naman ng 40 sentimos sa diesel, at 35 sentimos sa kerosene.

Sinundan ito ng Petro Gazz, na magpapatupad din ng kaparehong dagdag-bawas sa gasolina at diesel.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Asahan na ang pagsunod ng Petron, Flying V, Seaoil, PTT Philippines at Caltex sa kaparehong dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo.

Kahapon, nag-rollback na ang Phoenix Petroleum ng 40 sentimos na diesel nito.

Ang nagbabadyang price adjustment sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

-Bella Gamotea