NATADTAD ng “ang guwapo” ang comment section ng Instagram sa ipinost ni Dingdong Dantes na photo niya habang karga ang anak na si Ziggy.
May humirit pa ng, “Bata pa lang gwapo na, paano na ‘pag lumaki pa?”
Hindi lang kasi basta gising si Ziggy sa bago niyang litrato, naka-smile rin siya, kaya lalong lumabas ang kaguwapuhan ng second baby nina Dingdong at Marian Rivera.
As usual, hindi na naman magkasundo ang netizens kung sino kina Dingdong at Marian ang kamukha ni Ziggy.
Para wala nang isyu, puwedeng sabihing kamukha pareho nina Dingdong at Marian si Ziggy, at sigurado namang magbabago pa ang mukha ng bagets habang lumalaki ito.
Samantala, bago mag-post ng picture nila ni Ziggy si Dingdong, nag-post muna ng video si Marian na sinasayaw at kinakanta ni Zia ang TVC ni Marian ng Ajinomoto Aji Ginisa.
Nakakatuwa dahil alam ni Zia ang steps ng sayaw ni Marian, at kabisado rin ang lyrics ng jingle. Nag-comment tuloy si Dingdong sa asawa ng, “May kapalit ka na sa pagiging commercial model.
Sinagot naman ito ni Marian: “Hahaha naman!”
-Nitz Miralles