Mga Laro Bukas
(Paco Arena)
1:00 n.h. -- Coast Guard vs Navy
3:00 n.h. -- IEM vs Easytrip
5:00 n.h. -- VNSVC vs Army
NAKAMIT ng koponan ng Sta. Elena ang huling upuan 2019 Spikers’ Turf Reinforced Conference semifinals makaraang padapain ang Philippine Army Troopers, 31-29, 25-17, 25-23 nitong Huwebes ng hapon sa Paco Arena.
Nagtala si Edward Camposano ng 14 puntos mula sa 11 attacks, 2 aces, at isang block upang pamunuan ang Ball Hammers sa pagkopo ng ika-4 na Final Four slot.
Naitakda ng naturang panalo, ikapito sa loob ng 11 laro ang tapatan nila ng no.1 seed Cignal sa semis.
“Siyempre kailangan [talaga] namin manalo para makapasok sa Final Four. Sinasanay namin talaga namin na kahit puro bata nga sila, nandun naman yung sistema eh. Kailangan lang i-feed samin sa kanila yung mga gagawin” ayon kay Sta. Elena assistant coach Raymond Franza.
Nanguna naman si team captain PJ Rojas sa iniskor nitong game-high 18 puntos para sa Troopers na bumaba sa patas na markang 5-5.
Sa iba pang laro, tinalo ng Phoenix Volley Masters ang Volleyball Never Stops Volleyball Club (VNS VC) , 25-23, 27-25, 27-25,para sa ikatlo nilang panalo kontra 7 talo.
Sa salpukan naman ng dalawang winless teams, naungusan ng Easytrip-Raimol ang Philippine Coast Guard Dolphins, 25-23, 22-25, 14-25, 25-18, 15-11.
-Marivic Awitan