ISA sa mga koponang mayroong “intact roster” na isasabak ngayong darating na NCAA Season 95 ay ang College of St. Benilde.

Dahil dito, mas naging optimistiko ang coaching staff ng Blazers sa pangunguna ni head coach TY Tang sa kanilang tsansa.

Inaasahang mamumuno para sa Blazers na nabawasan lamang ng isang player sa katauhan ni Carlo Young sina Justin Gutang, Kendrix Belgica, Edward Dixon,Unique Naboa, at Cameroonian center Clement Leutcheu.

“We have no doubt Edward Dixon and Kendrix Belgica will be stepping up for us big time,” ani Tang

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nariyan din ang mga reliable sophomores na sina Prince Carlos at Robi Nayve kasama ang mga rookies mula sa La Salle Green Hills na sina Ladis Lepalam at Mark Sangco.

“We can always say we are ready but the result will show if we are or we are not. For us, we are just looking forward to again play in the NCAA,” ayon pa kay Tang na umaasa din ng kaukulang maturity sa laro ng kanyang mga players partikular kay Gutang para sa hangad nilang umabot ng Final Four round.

Pero gaya ng ibang koponan na hindi nabibigyang pansin, umaasa ang CSB na magagawa nilang makaabot ng Final Four ngayong taon.

-Marivic Awitan