NAKAKAALIW ang reactions ng netizens sa ipinost ni Rocco Nacino tungkol sa military training niya para sa Descendants of the Sun.

Rocco

Nag-post kasi ang aktor ng litrato niya sa training nila sa Camp Riego De Dios sa Tanza, Cavite.

“Enjoyed being a sniper for a day. 4 shots to the head, 3 to the body, 3 putotoy shots,” caption ni Rocco.

Relasyon at Hiwalayan

'The easiest yes!' Jose Manalo, Gene Maranan engaged na!

Alam agad ng followers ni Rocco ang tinukoy na “putotoy shots”, kaya biniro siya na wala siyang awa, at pati putotoy ay hindi niya pinaligtas.

Isa sa nag-comment ang co-star ni Rocco sa serye na si Jasmine Curtis-Smith: “Those putots shots.”

So, sniper pala ang role na gagampanan ni Rocco sa DOTS, bilang si Capt. Diego. Kaya dapat talaga siyang mag-training. Ang nasabing role ang ginampanan ng Korean actor na si Jin Goo, na sinasabing kamukha ni Rocco.

Bukod sa military training, tuluy-tuloy din ang workout ni Rocco dahil kailangan niyang maging fit, o kailangang maging fit ng cast na gaganap na sundalo, para handa sila sa mahihirap at physical scenes.

Samantala, may mga curious kung bakit hindi na nagpo-post si Rocco ng picture nila ng GF niyang si Melissa Gohing. May nag-akala tulong na break na ang dalawa.

Pero nang bisitahin namin ang Instagram ni Melissa, nila-like pa rin ni Rocco ang posts niya.

Baka dahil sa DOTS, kaya hindi muna nagpo-post ng photos nila ng GF si Rocco. Si Jasmine kasi ang kapareha ni Rocco sa serye.

Eh bakit si Jasmine, tuloy pa rin ang pagpo-post ng mga litrato nila ng BF na si Jeff Ortega?

-Nitz Miralles