MULING inoperahan si Liza Soberano sa daliri niyang nagkaroon ng bali habang nagte-taping sa dati niyang serye na Bagani.

Liza

Batay sa nabasa namin, kumuha ang mga doktor sa Cedar Sinai Medical Center ng buto sa hip ni Liza, kapalit ng nabaling buto sa kanyang daliri.

Sa napanood naming Instagram Story, nasa tabi kaagad ni Liza si Enrique Gil after her surgery. Pero dahil high pa sa gamot si Liza, hindi niya agad na nakilala ang aktor, na natawa na lang.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nagdadasal ang mga fans nina Liza at Enrique para sa mabilis na paggaling ng aktres, para makaya na nitong gumawa ng pelikula at teleserye. Nami-miss na kasi nilang mapanood ang magandang aktres.

Matatandaang ang pagkadurog ng buto sa daliri ni Liza ang dahilan kaya napilitan siyang umurong mula sa pagbibida sa pinakaaabangang Darna movie.

-NITZ MIRALLES