(UNA SA 2 BAHAGI)

TINOTOO ni Manila City Mayor Isko Moreno ang maririing salita na binitiwan niya nang makaharap namin siya sa isang intimate interview ilang araw bago ginanap ang eleksiyon nitong nakaraang Mayo: “It will be different!”

MAGTULUNGAN TAYO Si Manila Mayor Isko Moreno matapos makipagdayalogo sa mga vendors sa Divisoria nitong Miyerkules. (ALI VICOY)

MAGTULUNGAN TAYO Si Manila Mayor Isko Moreno matapos makipagdayalogo sa mga vendors sa Divisoria nitong Miyerkules.
(ALI VICOY)

Hindi pa nag-iisang linggo simula nang umupo sa puwesto, ginulat na niya ang lahat sa mabilisang paglilinis sa Divisoria, Sta. Cruz, Avenida, Blumentritt, at Quiapo. Matagal nang itinuturing na imposible ang clearing operations sa mga naturang lugar. Ngayon, ang mga ginagawa ni Isko sa kanyang nasasakupan ang itinuturing na good news ng mga mamamayan hindi lang sa Maynila kundi sa buong bansa.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Siya ang itinuturing ngayong agent of change, at umaasa ang lahat na magiging inspirasyon siya ng iba pang local government executives.

“I am no Superman,” sabi ni Isko sa aming taped interview. “I don’t have all the answers in this world with regards to our problems so I cannot give you that guarantee. But the one guarantee that I can give you, it will be different.”

Matagal na niyang pinag-aralan ang mga gagawin oras na siya ang piliin ng mga mamamayan ng Maynila para mamuno.

Para sa kanya, hindi na kailangang pagandahin ang Maynila dahil matagal na itong maganda. Kailangan lang itong linisin. Kaya may mga programa siyang Pagkain sa Basura, paligsahan ng pinakamalinis na barangay na tatanggap ng premyong isang milyong piso ang winner, at ang pagbabalik ng Metro Aide.

Hindi niya hinahangad magpayaman sa puwesto.

“Remember I came from nothing. Wala akong pitong asawa para pakainin araw-araw. Lima lang ang anak ko, so wala akong extended family to trouble the government, to trouble the people. I’m happy and I’m grateful.”

Hindi niya itinuturing na gatasan ang puwesto sa gobyerno.

“Don’t feel that you’re privileged, that you’re entitled. No, nobody is entitled... You don’t own the government to be entitled, ang may-ari n’yan ang taong-bayan, ang nagbigay n’yan ang taong-bayan.”

Saan nanggagaling ang courage ni Isko?

“Kagustuhan nila (mga Manilenyo) na maiba naman ang Maynila, sa kanila galing ‘yon, they really wanted different things.”

Bukod sa street smart, malalaman sa mga pananalita na nagbabasa ng buhay ng mga dakilang tao si Isko.

“’Wag kang umasa na may bagong darating sa iyo bukas kung ang ginawa mo ngayon ay katulad lang ng kahapon, pareho pa rin ang resulta nu’n,” aniya, pagkatapos sabihin ang quotation ni Albert Einstein sa orihinal na English.

Hindi niya hinihimok ang kanyang mga anak na pumasok din sa pulitika.

“Kausapin mo ang mga anak ko kung ini-encourage ko sila. You can ask them, madali mo namang mahuli ang nagsisinungaling. So, ako, true, sabi nga ng mga mapagpalusot, eh, this is democracy, ibinoboto kami. Tama, that’s how you recircumvent the law. Pero decency and morality must be part of a leader’s character.

“Now, kung isinusuga mo na ang kaluluwa mo kay Satanas, at wala nang halaga sa ‘yo ang... ‘di ko sinasabing lahat kami mataas ang moral, may mga kasalanan din kami sa buhay at wala namang perpekto... pero me certain level of decency that sometimes you need to stop. You should know the word enough, nakakahiya naman sa taong-bayan.

“Kaya ang tawag du’n, self-discipline. Kung meron ka pang natitirang dignidad, tumigil at magpahinga ka muna d’yan.”

(Bukas, ang Metropolitan Theater, ‘showbiz career’, culture and arts sa Maynila.)

-DINDO M. BALARES