NAKATAKDANG ilunsad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang apat na applications (apps) kaugnay ng disaster risk reduction and mitigation.

Sa isang panayam ng Philippine News Agency (PNA) nitong Martes, sinabi ni Phivolcs director Renato Solidum na kabilang sa mga apps na ilalabas ang GeoMapper-Exposure Data Mapper, GeoMapper-Situation Data Mapper, Geo Analytics, at HazardHunter PH.

Ang mga application ay binuo sa ilalim ng GeoRiskPhilippines Initiative project ng DOST.

Ayon kay Solidum, ang proyekto, na tatakbo mula 2018 hanggang 2020, ay isang geographic information system (GIS) na nag-i-integrate ng mga hazard maps, exposure data, at may access sa mga pampubliko at mga ahensiya ng pamahalaan.

“The apps were already developed. But the data are still to be contributed,” aniya.

Mula noong Agosto 2018 hanggang Hulyo 2019, naglaan ang DOST ng P24 milyon para sa proyekto. Ayon kay Solidum, malaking bahagi ng halaga ang inilaan sa pagbili ng mga computer at software.

Sa apat na apps, tanging ang HazardHunter ang magagamit ng publiko, habang ang tatlo ay para lamang sa paggamit ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Nakatakdang ilunsad ang HazardHunter sa Hulyo 16, na maaaring magamit sa pamamagitan ng computer o mobile phone.

Sa pamamagitan ng app, matutulungan nito ang mga tao na malaman kung mapanganib ang pagsabog ng bulkan, tsunami at iba pang kalamidad at ang lokasyon. Kasama rin sa app ang fault finder ng Phivolcs.

Malaking tulong din ang HazardHunter para sa mga negosyo o nagbabalak magtayo ng gusali, dahil malalaman nila kung at risk ang lokasyon nilang napili.

Target naman ng tatlong app na kumolekta ng exposure data. Ang GeoMapper-Situation Data Mapper, halimbawa ay gagamitin ng Office of Civil Defense.

“We will collect exposure data and send this to proper authorities to assess the hazard,” paliwanag ni Solidum.

Aniya, ang GeoRisk platform, ay maaaring magamit ng mga ahensiya ng pamahalaan, kung saan nila makikita ang Phivolcs’ hazard map there at magpapasa ng mga datos.

Nagbibigay din ang app ng tiyak na lokasyon.”Not all facilities are properly located, like for example in Google, you could only see a flag to locate a school. Our app could locate a specific building in a school compound,” aniya.

“The school principal, therefore, should locate and describe the facilities they have so we could add this to our data,” paliwanag pa ni Solidum.

-PNA