Limang lalaki, kabilang ang anak ng dating gobernador ng Maguindanao, ang napatay sa umano’y shootout sa mga sundalo sa isang checkpoint sa Pikit, North Cotabato, nitong Biyernes ng gabi.

Ang tadtad ng tama ng bala na Nissan Patrol ng mga biktima, batay sa litratong ipinost sa Facebook ng mga taga-Pikit nitong Biyernes ng gabi.

Ang tadtad ng tama ng bala na Nissan Patrol ng mga biktima, batay sa litratong ipinost sa Facebook ng mga taga-Pikit nitong Biyernes ng gabi.

Sakay ang limang nasawi sa Nissan Patrol na patungong bayan ng Pagalungan sa Maguindanao nang parahin ng mga tauhan ng 7th Infantry Battalion ng Army na nagmamando sa checkpoint sa Barangay Inug-ug sa Pikit, bandang 8:40 ng gabi.

Pero sa halip umanong huminto, humarurot ang sasakyan habang isa hanggang dalawang sakay nito ang nagpaputok umano sa checkpoint, kaya napilitang makipagbarilan ang mga sundalo at kaagad na napatay ang lima, ayon sa military report na kinumpirma ni Pikit Police chief Capt. Mautin Pangandigan.

Probinsya

Kumpareng lasing na aksidenteng 'tinuhog' si kumare, nasakote

Kabilang sa napatay si Datu Hashim Matalam, anak ni dating Maguindanao Gov. Norodin Matalam, at driver at may-ari ng Patrol.

Ang dating gobernador ay nahalal na mayor ng Pagalungan ilang araw bago ito pumanaw sa natural death may apat na taon na ang nakalipas.

Ayon kay Capt. Pangandigan, nakarekober ang mga taga-Scene of Crime Operations (SOCO) ng tatlong magkakaibang baril at bala, isang granada, isang riffle grenade, tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu, at P15,900 cash.

Ali G. Macabalang at Fer Taboy