HINDI lang isa, bagkus dalawang gun shows ang isasagawa ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) ngayong taon sa layuning mapataas ang kaalaman at kamalayan ng sambayanan sa buting naidudulot ng responsableng pagma-may-ari, sa aspeto ng kabuhayan at maging sa kompetisyon.

IBINIDA ni Arlic Topacio (ikatlo mula sa kanan) pangulo ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines (AFAD) ang tumataas na bilang ng Pinoy na nakikiisa sa Defense & Sporting Arms Show na gaganapin sa Megatrade Hall ng SM Megamall sa Mandaluyong City, habang nakikinig (mula sa kanan) sina Ballout Hoops Challenge founder Cris Bautista, Mind Sports coach Anne Bonita, TOPS president Ed Andaya, Maricris Supat at Bambi Sevilla.

IBINIDA ni Arlic Topacio (ikatlo mula sa kanan) pangulo ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines (AFAD) ang tumataas na bilang ng Pinoy na nakikiisa sa Defense & Sporting Arms Show na gaganapin sa Megatrade Hall ng SM Megamall sa Mandaluyong City, habang nakikinig (mula sa kanan) sina Ballout Hoops Challenge founder Cris Bautista, Mind Sports coach Anne Bonita, TOPS president Ed Andaya, Maricris Supat at Bambi Sevilla.

Ipinahayag ni AFAD president Alaric Topacio na bubuksan ang Part 1 ng 27th AFAD Defense & Sporting Arms Show sa Hulyo 11-15, habang nakatakda ang Part 2 ng pamosong palabas sa Nobyembre 14-18. Parehong isasagawa ang programa sa Megatrade Hall ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“We’re inviting everyone to visit the AFAD Defense & Sporting Arms Show where you can find the best quality and world-class brand and gun accessories offered by our members whose in business for a long time,” pahayag ni Topacio sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor),  Community Basketball Association (CBA), NPC at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.

Ikilalulungkot ni Topacio ang mga negatibong isyu na kinasasangkutan ng mga insidente na may kinalaman sa baril, ngunit kung pagbabasehang ang datos sa kabuuan, mga ilegal o ‘loose firearms’ ang mga sangkot sa mga insidente.

“Kaya po kami sa AFAD for the past 27 edition ng Defense and Sporting Amrs Show ay talaga pong nakatuon sa pagpapalaganap ng impormasyon hingil sa responsableng paggamit ng baril at pagmamay-ari nito,” aniya.

Sa kabila nito, iginiit ni Topacio na tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nagkakainteres sa baril at lutang ito sa mga nakalipas na programa ng grupo, sapat para isagawa ang Arms Show ngayon sa mas malaking venue ng Megatrade.

“It’s always filled to the rafters from the opening hours of 10am up to closing time of 10pm. This year, we expect over 25,000 firearms and shooting sports enthusiast to visit the five-day exhibits,” pahayag ni Topacio

Sa naturang AFAD Arms Show, ayon kay Topacio, kabuuang 60 exhibitior ang makikibahagi, habang magsasagawa ang ilang miyembro ng  libreng seminars para sa responsableng pagma-may-ari, ligtas na paghawak, at martial arts. Handa ring magbigay ng tulong ang Philippine National Police, sa pamamagitan ng PNP Caravan para tulungan ang mga gun owners sa pagpapalesensya at pagbibigay ng permit sa pagdadala ng baril sa labas ng tahanan.

“One-stop caravan po, para matulungan ang ating mga kababayan sa kanilang pagpapalisensya, pagkuha ng kinakailangang examination  tulads ng ‘neuro test’ at iba pang dokumento na kinakailangan,” pahayag ni Topacio, sa edad na 27, ang pinakabatang naging pangulo ng AFAD mula nang itatag noong 1989.

Inanyayahan para makiisa sa program ang mga mga miyembro ng National Shooting Team, gayundin ang Practical Shooting group na kinabibilangan nina World Champion Jethro Dionisio, Jag Lejano, Edward Rivera, Josey Delos Santos, Kahlil Viray, Huey Co, Mariboy Alejandro, Bro Tecson, gayundin sina Grace Tamayo, Marty Martyr, at Evelyn Woods.

Ang mga nabaggit ay makikibahagi rin sa gagawing AFAD Australasia Handgun Championship sa Nobyemre 10-17 sa Lipa City, Batangas.

-Edwin Rollon