Higit na malawak at makabuluhan ang mga reporma ikakasa ang gobyerno, batay sa mga bagong batas at programa ng mga mambabatas na kaalyado ni Pangulong Duterte sa Kamara at Senado.
Ito ang pananaw ni Albay Rep. Joey Salceda, sinabing “sesentro ang inaasahang mga reporma sa paghikayat ng mga mamumuhunan sa Pilipinas upang maging globally competitive”.
Ayon kay Salceda, ang mga reporma ay tutuon sa tatlong larangan—economic, political and social—at magsisilbing pangatlong haligi ng “Dutertenomics”, isang estratehiyang pangkabuhayan na layuning palawakin ang kakayahan ng Pilipinas sa pulitika at pananalapi tungo sa pag-unlad.
Tiniyak ni Salceda na nakaplano ang naturang mga reporma, kabilang ang pag-amyenda sa “Public Service Act”, ang TRAIN 2 o Tax Reform for Attracting Better and Higher Quality Opportunities II (Trabaho) bill, ang mga amyenda sa “Retail Trade Liberalization; Foreign Investments Act” at iba pang mga batas.