AVAILABLE na sa National Bookstore ang July 2019 issue ng Megaman magazine na si Alden Richards ang cover. Pang-apat na beses na itong pagko-cover ng aktor sa nasabing magazine at sabi ng kanyang fans, ang nasabing issue ang pinakagusto nila.
Ang ganda ng interview kay Alden sa Megaman, he talked about life, his family, his craft and career. May mga ibinahagi siyang sariling pananaw at opinyon na puwedeng pamarisan ng kanyang supporters at ng makakabasa gaya ng:
“You are not the same person as you were since day one. So keep track of yourself and reach for your dreams, no matter how unconceivable as it may seem. It is possible” at;
“I’m always looking for uncertainties. ‘Yung you never know what will happen next. I guess that’s one of the reasons why I keep waking up every morning.”
Hindi rin marunong sumuko si Alden at higit sa lahat, hindi nagpapatalo sa bashers. Heto nga at kung kailan malapit na ang showing ng Star Cinema movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye, saka sunud- sunod ang isyu sa kanya. Bawat kilos at sabihin ni Alden, binibigyan ng double meaning.
May mga nagpahayag pa rin na ibo-boycott ang movie dahil iba ang kapareha ni Alden, hindi na lang niya pinapansin at sanay na rin siguro ang aktor dahil lahat ng solo projects niya, may mga nagbo-boycott.
At least, mas marami ang gustong manood ng Hello, Love, Goodbye mula nang mapanood ang teaser at ang full trailer nito. Pati non-fans nina Kathryn at Alden, ay nagkainteres rin sa movie.
Masakit ang linyahan ng dalawa sa pelikula na pumatok sa netizens lalo na sa mga millennial.
Sa July 31 pa rin ang opening ng Hello, Love, Goodbye na sa sobrang pagka-adik ng fans, ay uulit-ulitin nila itong panonoorin. May 107 scheduled block screening na ang movie at tiyak na madadagdagan pa ito.
-Nitz Miralles