Niyanig ng 6.4 magnitude na lindol ang Southern California nitong Huwebes, na nagbunsod ng mga pagliliyab, puminsala sa ilang gusali, at nagresulta sa mabilisang paglilikas sa isang ospital, bagamat iilan lang ang bahagyang nasugatan.

NAGTUMBAHAN Nagkalat sa sahig ang mga bote ng inumin at iba pang produktong pagkain sa isang grocery store sa Ridgecrest sa California sa Amerika nitong Huwebes. REUTERS

NAGTUMBAHAN Nagkalat sa sahig ang mga bote ng inumin at iba pang produktong pagkain sa isang grocery store sa Ridgecrest sa California sa Amerika nitong Huwebes. REUTERS

Kumpirmadong pinakamalakas na yumanig sa Southern California sa nakalipas na 25 taon, naramdaman ang 6.4 magnitude na lindol may 113 milya sa hilaga-silangan ng Los Angeles malapit sa siyudad ng Ridgecrest, bandang 10:30 ng umaga PDT (1730 GMT), ayon sa U.S. Geological Survey (USGS). Ang epicenter ay natukoy sa gilid ng Death Valley National Park.

Sinabi ng Kern County Fire Department na tumutugon sila sa “multiple injuries” na pawang minor lang naman, dalawang bahay na nagliyab, isang maliit n a bush fires, at ilang insidente ng gas leaks.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Inaprubahan ni California Governor Gavin Newsom ang isang emergency proclamation, habang kinumpirma naman ni Ridgecrest Mayor Peggy Breeden na nagdeklara siya ng state of emergency.

Pinalikas ang mga tao sa Ridgecrest Regional Hospital, at agarang inilipat sa ibang ospital ang nasa 15 pasyente, ayon kay Breeden.

Reuters