Nasa 189 indibidwal na tinamaan ng human immunodeficiency virus (HIV) ang iniulat na binawian ng buhay noong Abril.

HIV

Ito ay batay sa datos na isinapubliko ng Epidemiology Bureau (EB) ng Department of Health (DoH).

Ang naturang bilang ay kabilang sa 840 bagong kaso ng HIV na naitala ng ahensya sa nasabi ring buwan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi ng DoH, mas mababa ang mga bagong kaso ng HIV sa naitala nilang 924 kaso noong April 2018.

"Of the total cases last April of this year, 20 percent or 165 cases had clinical manifestations of advanced HIV infection," pahayag ng ahensya.

Nananatili namang sexual contact o pakikipagtalik ang pangunahing dahilan nang pagkahawa ng sakit na bumiktima ng 819 kaso.

Iba pang dahilan ng pagkahawa ng sakit ay needle sharing ng mga nagtuturok na drug users na dahilan ng pagkahawa ng sakit ng limang pasyente at tatlo naman ang nabiktima ng mother-to-child transmission, habang hindi mabatid ng 13 kaso kung saan nahawa ng sakit.

Sa apat sa mga bagong pasyente ay buntis nang matuklasan silang nahawaan ng HIV, kabilang dito ang dalawa na mula sa  Region 4A (Calabarzon), isa mula sa Region 1 (Ilocos Region) at isa mula sa 10 (Northern Mindanao).

Karamihan naman sa mga bagong kaso ng sakit ay mula sa National Capital Region (NCR) na may 271 cases, na sinundan ng Calabarzon (137 cases); Central Luzon (92 cases); Central Visayas (65 cases); at Western Visayas (55 cases).

Ibinunyag pa ng DoH na sa unang apat na buwan naman ng 2019 ay kabuuang 4,274 new HIV cases na ang kanilang naitala.

Mayroon naman na umanong 66,303 kumpirmadong HIV cases sa bansa simula noong 1984.

-Mary Ann Santiago