SA ikatlong pagkakataon, muling tatanggap ng pagkilala ang bayan ng Magsaysay bilang Most Outstanding Municipality sa rehiyon ng Davao sa katangi-tangi nitong ambag sa pinaigting na kampanya sa organic farming sa Davao Region.

Una nang nagwagi noong 2017 at 2018 sa Regional Organic Agriculture Achievers Awards (ROAAA), kinilala ang bayan ng Magsaysay ng the Department of Agriculture para sa patuloy na pagsisikap ng bayan upang maisulong at mapalakas ang organic farming. Nakatakdang tumanggap ang bayan ng katulad na parangal sa susunod na buwan.

Sa kabuuang agricultural land na 16,591.66 ektarya, inilaan ng Magsaysay ang 4,065 ektarya para sa organikong pagsasaka. Habang may kabuuang 7,918 sa 22,868 magsasaka ang organic practitioners.

Kilala ang Davao del Sur bilang rice granary ng Davao Region, ngunit ang katangi-tangi sa bayan ay ang katatagan nito sa produksiyon ng organikong bigas na may kilalang brand.

Pinaikling Magsaysay Rice, sumikat ang “Magrice” sa merkado dahil sa maraming health-conscious na mga consumer. Mayroon itong tatlong variant ang brown, red at black rice.

Pagbabahagi ni Mayor Arthur Davin ang pagpe-preserba ng isang organic brand ay maihahalintulad sa pagsakay sa isang rollercoaster.

Binigyang-diin niya na ang organikong pagsasaka ay may mas mababang financial investment sa bawat panahon ng pagtatanim, na nagreresulta sa mas magandang kita.

“The good news is that more and more rice farmers using the conventional method of farming are turning to organic farming, lured by the overall and long-term benefits that organic farming method generates,”dagdag pa niya.

Ayon kay Helen Carampatana, municipal agriculturist, ang lamang nila sa pagkamit ng karangalan ay ang magandang pagpapanatili ng kanilang bayan ng organic farming mula noong 2002.

“Other municipalities engaged in organic farming right after the approval of the Organic Act of 2010. For us, we practiced it since then to further help our farmers,” aniya.

Bukod sa bayan ng Magsaysay, ilang organic stakeholders din ang tatanggap ng pagkilala sa Agosto sa ROAAA, isang taunang aktibidad na pinangungunahan ng Department of Agriculture sa Davao Region.

Binibigyang pugay ng ROAAA ang mga natatanging kontribusyon ng mga organic stakeholders sa pagpapatupad at pagsusulong ng organic agriculture tungo sa pagpapaunlad at pagsulong ng industriya ng organic sa rehiyon.

-PNA