HINDI naman pala tuluyang iiwan ni Miguel Tanfelix ang Sunday Pinasaya gaya ng kinatatakutan ng kanyang supporters. Ang ibinalita sa “Chika Minute” ng 24 Oras, magsi-semi regular na lang ang isa sa mga bida ng Family History sa nasabing Sunday show ng GMA-7.

Miguel

Nang aming tanungin tungkol dito, ang pag-aaral ang inirason ni Miguel kung bakit nag-decide siyang bawasan ang oras niya sa showbiz. Gusto nitong makapagtapos ng kolehiyo at makakapag-focus lang siya ‘pag hindi siya masyadong active sa showbis.

Tinanong namin si Miguel kung magsi-semi regular din ba siya sa Sahaya.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Inaayos pa ang schedule,” sagot ng binatang aktor.

Kaya ba sa story ng Sahaya, pinalabas na bumalik sa probinsiya ang karakter ni Miguel na si Ahmad at iniwan sa Manila si Sahaya (Bianca Umali)? Pero tiyak na hahanapin siya ng viewers at parang hindi kumpleto ang Sahaya kung wala si Ahmad.

Anyway, honored si Miguel na mapasama sa cast ng Family History at makatrabaho sina Direk Michael V., at Dawn Zulueta. Ang dami niyang natutunan sa dalawa at tini-treasure niya ang naging bonding nila. Nagbabahagi raw kasi ang mga ito ng lessons sa buhay at sa career. Payo rin nina Bitoy at Dawn sa kanila ni Bianca, mag-ipon habang may trabaho sila.

Anak nina Bitoy at Dawn ang role ni Miguel sa Family History bilang si Malix dela Cruz, kaya marami siyang eksena kina Bitoy at Dawn. Sa kanya rin, kasama sina Mikoy Morales at Jemwell Ventenilla, ipinagkatiwa ni Bitoy ang pag-awit ng band version ng theme song ng movie na Bakit Gan’un na sinulat ni Bitoy.

Sa July 24 na opening ng Family History at sa July 23 ang premiere night sa SM Megamall. Magiging star-studded ang premiere ‘pag dumalo ang mga kasama ni Bitoy sa Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Inimbitahan din ni Bitoy sa premiere night sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid at abangan natin kung darating ang mag-asawa.

-Nitz Miralles