MASAYA ang fans nina James Reid at Nadine Lustre sa balitang magkakasama sa pelikula sina Nadine at Aga Muhlach dahil panibagong blessing ito sa aktres. May tanong lang ang JaDine fans, kailan daw tutuparin ng Viva Films ang ipinangako nilang pelikula nina James at Nadine?

Aga, Nadine at Vic

Sa nabasa namin, matagal nang pangako ng Viva Films na muling pagtambalin sina James at Nadine pero nakatapos na ng dalawang pelikula si Nadine at si James ay nakapag-concert na kasama sina Billy Crawford at Sam Concepcion at nag-withdraw na sa Pedro Penduko, ay wala pa rin silang nababalitaang movie project ng favorite love team nila.

Heto nga at sa August 7 ay showing na ang Indak movie nina Nadine at Sam pero wala nganga pa rin ang fans sa movie nina JaDine.

Tsika at Intriga

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee

Samantala, wala pang detalye ang gagawing pelikula nina Aga at Nadine at ang caption nga sa inilabas na litrato ng dalawa ay, “Meeting for a new project!”

Excited na ang fans ni Nadine at nagpasalamat sila kay Aga for accepting the project.

-Nitz Miralles