SASAGUPA ang 24-anyos at tubong Sindangan, Zambonga del Norte na si Jomar Caindog laban kay WBC Silver light flyweight titlist Jing Xiang sa Agosto 17 sa Shenzhen, China para sa bakanteng WBO Global minimumweight title.

Magandang pagkakataon ito para kay Caindog dahil kung magwawagi laban kay Xiang ay tiyak na papasok siya sa WBC rankings dahil nakalistang No. 8 kay WBC light flyweight champion Ken Shiro ang Chinese boxer.

Ngunit, hindi pipitsuging kalaban si Xiang na may walong sunod na panalo, dalawa sa knockouts, pinakahuli sina dating WBO minimumweight champion Merlito Sabillo ng Pilipinas at ex-WBC light flyweight titlist Suriyan Satorn ng Thailand na kapwa niya tinalo sa 12-round unanimous decision.

May rekord ang 29-anyos na si Xiang na 16-4-2 win-loss-draw na may 3 panalo sa knockouts kumpara kay Caindog na may kartadang 9-1-1 na may 4 pagwawagi sa knockouts.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

-Gilbert Espeña