MULA sa pagiging isa sa mga assistant coaches sa kanilang seniors squad, nalipat na kay Randy Alcantara ang katungkulan bilang head coach ng Mapua University men’s basketball team para sa darating na NCAA Season 95.

ALCANTARA

ALCANTARA

Isa ring dating Mapua Cardinals, inaasahang dadalhin ni Alcantara ang winning tradition na ibinalik nya sa juniors squad ng Mapua na giniyahan niya sa dalawang titulo sa nakalipas na tatlong taon.

At inaasahang makakatuwang niya sa naturang misyon ang mga dati niyang manlalaro sa Red Robins na sina Warren Bonifacio, Noah Lugo, at Laurenz Victoria.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“First season ko sa Srs. ko, siyempre kinakabahan, pero excited din ako. Nakikita kong more challenging sa coaching career ko to,” ani Alcantara

Dahil na rin sa pag-upo bilang head coach ni Alcantara, ganap ding makikinabang ang seniors squad ng Mapua sa kanilang Juniors program makaraan ang mahabang panahon.

Kabilang din sa umakyat sa seniors squad si NCAA Season 94 Juniors Finals MVP Paolo Hernandez.

Umaasa si Alcantara na maipapakita ng kanyang mga manlalaro kabilang na rin ang isa pang incoming rookie na galing din sa isang champion juniors team na si Cyril Gonzales na galing naman sa UAAP champion National University.

Kung babalikan ang kasaysayan, isa ang Mapua sa mga koponang may pinakamatagumpay na juniors basketball program at umaasa si Alcantara na magagawa nyang madala ang nasabing tagumpay sa seniors division katuwang siyempre ang kanyang mga players.

“Yung mga players, dapat mapakita rin sa Mapua community at sa buong NCAA na ibang-iba yung Cardinals na makikita nila ngayon,” ayon pa kay Alcantara

Kaugnay nito, aminado naman si Alcantara na nagsisimula pa lamang silang maging isang competitive team kung kaya hindi sila umaasang makakaabot ng Final Four.

“Every game, mapahirapan lang namin kalaban namin, malaking achievement na para sa akin yun. Pero kahit sino pa katapat namin, sigurado kaming lalaban,” wika pa ni Alcantara.

-Marivic Awitan