IBA’T ibang paksa ang sasalubong sa gaganaping Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ tampok ang sports na basketball, memeory games at shooting ngayon sa National Press Club sa Intramuros.

TOPS logo

Ibibida ng SOCCSKSARGEN Marlins, ika-31 koponan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), ang line-up na inaasahang lilikha ng pangalab sa Lakan Cup ng ligang inorganisa ni Sen. Manny Pacquiao.

Pangungunahan ang Marlins nina team owner Kevin Espinosa, manager Norm Conti at coach Biboy Simon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magbibigay naman kanilang pananaw sa basketball development ang mga nasa likod ng Ballout Hoops Challenge na kinabibilangan nina Cris Bautista, commissioner LA Tenorio at deputy commissioners Bambi Sevilla at Alvin Bartolome sa forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), National Press Club, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde.

Panauhin din ang mga opisyal ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) na sina president Alaric Topacio and board member Edwin Año para ipahayag ang mga paghahanda sa gaganaping 27th Defense & Sporting Arms Show (DSAS) sa Hulyo 11-15 sa Megatrade Hall sa Mandaluypng City at PSC Australasia Handgun Championship sa Nobyembre 10-17 sa Lipa City, Batangas.

Magbibigay din ng kanilang programa sa sports foum ganap na 10 ng umaga at mapapanood ng live sa Facebook via Glitter livestreaming, ang mga opisyal at players ng Philippine Memory Sports na sasabak sa 6th Philippine international Open Memory Championship sa Hulyo 13-14 sa Icon Hotel, North EDSA.

Kabilang sa dadalo sina Enzo Gabriel Castillon, pinakabagong Filipino Grandmaster of Memory; Jan Jelo Juanir, country’s top Junior Memory athlete at Little Big Shots PH “Memory Kid” Chloe Andrea Galamgam, reigning Philippine Kids Memory champion; at Anne Bernadette Bonita, president of the Philippine Mind Sports Association Inc. at head coach of Philippine Memory team.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga opisyal at miyembro na makiisa sa programa.