WALA ng patid ang pagpapalabas ng trailer ng Hello, Love, Goodye sa TV screen courtesy of Star Cinema, ang producer ng Kathryn Bernardo-Alden Richards movie na mapapanood na sa July 31 nationwide.
Ang Hello, Love, Goodbye ay kuwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden), parehong Overseas Filipino Worker (OFW) na nakabase sa Hongkong. Magkakakilala sa HK ang dalawa hanggang sa mapaibig sa isa’t isa. Ang malaking katanungan ay kung paano nila susundin ang kanilang damdamin, kung mas matimbang ba ang kanilang pag-ibig o mas pipiliin nilang magpursige ng kanilang mga pangarap?
llan sa mga hugot lines ng movie ay, “Kung mahal mo ako bakit pinapapili mo ako?” na linya ni Joy kay Ethan, isa sa mga markadong linya sa trailer.
Marami nang nag-aabang sa movie at hinuhulaang ito ang magpapataob sa record-breaker na The Hows Of Us (KathNiel film), na umabot sa mahigit P1 bilyon ang kinita nationwide at maging sa mga international screenings.
HLG, considered as first movie team-up of Kathryn and Alden, the trailer has already gained more than a million views on Facebook as of this writing.
Sa mga naunang panayam kay Direk Cathy Garcia-Molina, nasabi niyang dumaan sa immersions ang kanyang mga bida bago kunan ang mga mahahalagang eksena sa Hong Kong kasama pa ang daan-daang talents sa nasabing lugar.
Sang-ayon naman dito si Kathryn, “Nakatulong na isang buwan kami du’n so na-observe namin kung paano. Lahat ng mga ginagawa nila, ‘yun talaga ‘yung mga pinuntahan namin, like sa Central. Mayroon sila doong parang sama-sama every Sunday. Kung paano ‘yung routine nila, kung paano sila sa mga alaga nila.”
-Ador V. Saluta