KARANIWAN na sa Pinoy ang pagkampi sa mga taong naaapi, higit at isang dayuhan ang nang-agrabyado.
Hindi masisisi ang volleyball fans at nitizens nang kanilang salaulain ang import na si Danijela Dzakovic ng BaliPure sa social media matapos ang viral video kung saan inis na dinagukan nito ang kasangga na si Jewelle Bermillo matapos ang palpak na depensa sa laro nitong Sabado laban sa Creamline.
Hindi nagustuhan ng marami ang pangyayari kaya naman inulan ng batikos, pagkondena at maaanghang na salita ang Montenegro import partikular mula sa mga volleyball fans. Hindi rin nagustuhan ng pamunuan ng Bali Pure ang pangyayari at sa katunayan ay kinondena rin nila ang naging aksiyon ng dayuhan.
Ngunit, kagyat ding nakiusap ang opisyal na BaliPure sa nitizens na unawain ang import at patawarin sa nagawang pagkakamali, higit at sising-alipin ito na hindi nakita ng sambayanan.
“It is truly unfortunate that something like that happened between teammates,” nakasaad sa opisyal na pahayag ng BaliPure. “There are circumstances that are beyond one’s control; nevertheless, there is no excuse for such behavior.”
“Rest assured that Bali Pure, as a team, has addressed this matter internally and appropriate sanctions have been meted out accordingly.”
Sa pahayag, ibinahagi rin ng pamunuan ang kaganapan sa likod ng pangyayari at kung gaano pinagsisihan ni Dzakovic ang kanyang naging pagkakamali kay Bermillo at sa buong koponan.
“What people only see is the act itself of Dzakovic and Bermillo.”
“What was not shown was how Dzakovic deeply regretted the incident and the tears she tried to hold back during the game; so as not to make the situation any worse that it already was. What was not seen was how she cried in the dugout after the game and sought the forgiveness of her teammates, the coaching staff, and the management. And what was not seen by the people, other than those in the dugout, was that it was Bermillo who was the first to approach Dzakovic to console her, to tell her that everything was forgiven, and to wipe her tears away,” ayon pa sa statement ng Bali Pure.
Kaya naman sa ngalan ng kanilang import, hiniling mismo ni Bermillo at ng mga bumubuo sa Purest Water Defenders sa lahat na patawarin na si Dzakovic at tigilan na ang pangba-bash dito.
“We would like to beg for everyone’s indulgence, to refrain from castigating, insulting, name calling, and bashing Dzakovic.”
“Rather, we would like everyone to forgive her and extend some compassion as she has sincerely apologized for her actions and behavior,” ang pagtatapos ng statement na nilagdaan ni team manager Paolo Turno.
-MARIVIC AWITAN