Nanawagan ngayong Miyerkules ang isang kongresista na imbestigahan ang ginawang anti-ship ballistic missile test ng China sa South China Sea, kamakailan.

SOUTH CHINA SEA

Ito ang reaksyon ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate sa pangambang ito ay hudyat ng “arms race” sa Asia Pacific region.

Iginiit nito, dapat “manindigan” ang Philippine government laban sa pagpupumilit ng China na sakupin ang West Philippine Sea.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

“The more reason that we have to investigate, the more reason for our country to really stand up.

“’Yung sinabi nating independent foreign policy, we can no longer tie this up with China because China is militarising the West Philippine Sea, the South China Sea,” pahayag ni Zarate kasunod na rin ng reaksyon ng Pentagon na ito ay “disturbing” o nakababahala dahil ginawa ang missile launch sa bisinidad ng pinag-aagawang Spratlys Island.

“China’s aggressive occupation of our territory is not just for civilian purpose, it is for military purpose. It is a bad omen, it will signal the arms race dito sa part ng Asia Pacific,” aniya.

Natitiyak din nito, aniya, na maglalabas ng reaksyon ang mga karatig bansang Vietnam, Japan, at Korea kaugnay ng nasabing habkang ng China.

“As a peace-loving country, we should move for the demilitarisation of the West Philippine Sea and we should push for the code of conduct,” sabi nito.

Binalaan din nito ang Estados Unidos na huwag makialam sa usapin.

“Hindi po katanggap-tanggap na makialam ang America because this will only heighten the arms race,” paliwanag pa ni Zarate.

-Charissa M. Luci-Atienza