IGINIIT ng Japan trade minister na pag-aari ng bansa ang ‘Kimono’—at hindi sa shapewear brand ni Kim Kardashian.
Matatandaang nitong nakaraang linggo, inanunsiyo ni Kim ang paglalabas niya ng Kimono Solutionwear, na sinundan ng pangbabatikos ng mga kritiko mula Japan na sinabing isang paglabastangan sa centuries-old kimono clothing ang ginawang pag-trademarked ng reality star at makeup mogul sa pangalan.
Nitong Martes nag-tweet si Kim at sinabing ila-launch ang kanyang brand sa bagong pangalan.
Ayon kay Japan’s trade minister, Hiroshige Seko nitong Martes, ang kimono ay kilala sa buong mundo na pag-aari ng Japan, at hinikayat ang U.S. trademark officials na pag-aralang mabuti ang kaso.
“Kimono is Japan’s cultural pride that we boast to the world. Even in the United States, kimono is highly recognized as a Japanese thing,” pahayag ni Seko. “We hope the case is examined appropriately to reflect the purpose of the trademark system.”
Dagdag pa ng minister, nakatakda nang magpadala ang bansa ng senior officials sa Washington para makipag-ugnayan sa U.S. trademark officials.
Nagpahayag din ng pagkadismaya sa isyu ang sinaunang kabisera ng Japan, ang Kyoto, ang tahanan ng maraming kimono makers at sikat na tourist destination.
Sa isang liham para kay Kim ni Kyoto Mayor Daisaku Kadokawa nitong Hunyo 28, sinabi nitong ang Kimono ay hindi lamang isang bahagi ng who wears a kimono at work, said in a June 28 letter to West that kimono cultural heritage ng Japan ngunit ito rin ay “fruit of craftsmanship and truly symbolize the sense of beauty, spirit and values of Japanese, [and that she should perhaps visit the city to] experience the essence of kimono culture.”
“We think that the name for kimono is an asset shared with all humanity who love kimono and its culture, therefore it should not be monopolized,” pahayag ni Kadokawa, na isinusulong ang pagpaparehistro sa Kimono bilang UNESCO intangible cultural heritage.
-Associated Press