PINALUHOD ng expansion team Iloilo United Royals ang Bataan Risers, 84-78, nitong Linggo para sa kanilang ikalawang panalo sa pag-usad ng MPBL Lakan Season.

Pinangunahan ni Richard Escoto ang opensa ng koponan matapos ang impresibo niyang performance na 19 puntos at 11 rebounds upang ilagay ang panalo ng United Royals kontra sa kanyang dating koponan.

Nakatuwang ni Escoto sina Aaron Jeruta na tumipa rin ng 19 puntos at si ex-pro Samboy de Leon na may 16 puntos upang bigyan ng magandang rekord ang Iloilo sa naturang liga na sinimulan ni Senator Manny Pacquiao katuwang ang PBA legend at dating MVP na si Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Samantala, binigo naman ng Navotas ang kalaban na Bacolod sa kanilang 78-69 panalo sa pamamagitan ni Allan Evangelista kung saan galing sa 19 puntos na pagkakalugmok ay nagawa niyang isalba ang koponan sa posibleng pakabigo.

Ang Valenzuela naman ay nakasungkit din ng panalo kontra Quezon City 70-65 upan maitala ang kanilang ikalawang panalo buhat sa 22 puntos na tinipa ni Paolo Hubalde upang balikatin ang kanyang koponan.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

-Annie Abad