EXCITED na ibinida ng actor-singer na si Ian Veneracion ang kanyang forthcoming Ian In Color concert sa programang Tonight With Boy Abunda nitong nakaraang gabi.

Ian

Ang Ian in Color ay produce n g ma g - a sawa n g Regine Velasquez at singer-composer It’s Showtime hurado, Ogie Alcasid. Sa panayam ni kuya Boy Abunda, sinabi ni Ian na very supportive sa kanya sina Regine at Ogie.

“I’m very very excited and ‘yung mag-asawang ‘yan, they’re very very supportive of people just getting into the music industry. Like myself,” ani Ian.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pahayag pa ng aktor, “And when I tell my friends, I’m very very proud always to say na you know si Ogie is producing this. It makes me sound legit. It makes me sound legit when it’s them supporting me,” pagmamalaki pa niya.

Bukod sa nasabing concert, abala rin ang walang-kupas pa ring aktor sa pelikula at sa katunayan, isang zombie film na kasali siya sa cast ang malapit nang ipalabas. Bida rito ang tandem na sina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang Block Z.

“It’s legit talaga,” aniya sa pagkakasama niya sa Block Z at action film daw ito hahabulin daw sila ng mga tumatakbong zombies.

So, mala-Train to Busan ang nasabing film?

-Ador V. Saluta