OAKLAND, California (AP) — Nagdagdag din ng buig man ang Golden State Warriors nang kunin ang serbisyo ni center Willie Cauley-Stein, habang muling pumirma ng kontarat sa Kevon Looney.

Cauley-Stein

Cauley-Stein

Kinuha rin ng Warriors si Glenn Robinson III para matugunan ang pangangailangan sa outside shooting matapos ang desisyon ni Kevin Durant na lumipat sa Brooklyn Nets. Inaasahan naman ang pamamahinga ni Klay Thompson para mapagaling ang surgery sa tinamong ACL injury sa kaliwang tuhod.

Pumayag si Looney sa three-year deal sa halagang US$30 milyon, ayon sa ulat ng The Associated Press nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nakuha bilang No.6 overall ng Sacramento si Cauley-Stein noong 2015 draft. Naitala niya ang averaged 10.1 puntis at 6.4 rebounds.

Huling naglaro sa Detroit si Robinson na pumayag umano sa alok na dalawang taon ng Warriors.

Samantala, idinagdag din ng Los Angeles Lakers sa opensa ang beteranong si Jared Dudley, ayon sa Priority Sports. Makakasama niya si Suns guard Troy Daniels na kapwa niya may kakayahan na makaiskor sa three-point area.