SASANDIGAN nina Kevin “The Silencer” Belingon at Brandon “The Truth” Vera ay Team Philippines sa ika-100 na event ng ONE: CENTURY sa Oktubre 13 sa Ryogoku Kokugikan, Tokyo, Japan.

VERA: Balik aksiyon sa ONE:100

VERA: Balik aksiyon sa ONE:100

Personal itong ipinahayag ni ONE Chairman at CEO Chatri Sityodtong sa social media nitong Linggo.

Makakaharap ni Belingon si Bibiano “The Flash” Fernandes sa ikaapat na pagkakataon upang paglabanan ang ONE Bantamweight World Title kung saan ang kanilang ikatlong laban ay nauwi sa disqualification win para sa Brazilian.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Vera naman ay makukuha ang kanyang dream match.

Ang ONE Heavyweight World Champion ay makakatapat ang two-division World Titlist Aung La N Sang para sa ONE Light Heavyweight World Title.

“ONE Championship will be celebrating its 100th show by throwing the biggest event in history (yet again) on October in Tokyo,” sabi ni Sityodtong.

Si ONE Women’s Atomweight World Champion Angela “Unstoppable” Lee ay makakalaban ulit ang ONE Strawweight World Champion na si “The Panda” Xiong Jing Nan upang kunin ang kanyang belt.

Kapag naging maganda ang resulta para sa Team Lakay, hindi lang si Belingon ang magrerepresenta sa Pilipinas sa event.

Makakalaban ni Danny “The King” Kingad si Kairat “The Kazakh” Akhmetov sa semifinals ng Flyweight tournament habang si Honorio “The Rock” Banario ay makakaharap si Timofey Nastyukhin sa semis ng Lightweight Grand Prix.

Kapag pareho silang sa ONE: DAWN OF HEROES ngayong Agosto ay makakasama sila sa century-mark show ng The Home Of Martial Arts

“I plan to add a few more megabouts to ONE: Century,” sambit ni Sityodtong.

Ang ONE Super Series World Grand Prix Finals ay andun din sa event habang ang mga local Japanese fans ay mapapanood ding lalaban ang mga Shooto at Pancrase World Champions.