Hindi na uubra ang mga palusot ng mga opisyal ng pamahalaan na hindi maipasilip ang kanilang bank accounts sakaling maisabatas ang panukalang inihain ni Senador Panfilo Lacson.
Layunin ng Senate Bill 26 na amyendahan ang ilang nilalaman ng Republic Act 1405 o ang Bank Secrecy Law bunga na rin ng pagiging “madamot” nito sa publiko kaugnay sa mga detalye ng bank accounts ng mga mga opisyal at kawani ng pamahalaan.
Aniya, saklaw nito ang Pangulo ng bansa hanggang sa pinakamababang antas na kawani ng pamahalaan.
Ang bahaging nagbabawal sa mga bangko na isiwalat ang mga bank accounts ng mga opisyal, halal man o itinalaga, at mga kawani ng pamahalaan ang nais ni Lacson na mabago batay sa nilalaman ng kanyang panukala.
Saklaw ng panukala ang opisyal at empleyado ng pamahalaan mula Pangulo hanggang sa may pinakamababang ranggo na empleyado, pati na rin ang mga kawani ng government-owned and controlled corporations (GOCC) at mga militar at pulisya.
Matatandaang ipinatupad ang Bank Secrecy Law noon pang 1955.
-Leonel M. Abasola