‘TILA hindi kayang manahimik ni Taylor Swift hinggil sa pagbili ni Scooter Braun, sa kanyang masters.
Sa isang Tumblr post nitong Linggo, ibinahagi ng superstar na nalungkot siya at naiinis ng malaman niya na ang kanyang music catalog ay hawak na ngayon ni Scooter, na inakusahan niya ng ilang taong “incessant and manipulative bullying,” bilang pagtukoy sa kinasangkutan niyang eskandalo kina Kim Kardashian at Kanye West.
“This is my worst case scenario,” pahayag ni Taylor.
Nitong Linggo, inanunsiyo ng Ithaca Holdings ni Braun na ito ang mamamahala ng Big Machine Label Group, ang nag-release ng lahat ng studio album ng Love Story himaker at ang kanyang sariling masters.
Umalis si Taylor ng Big Machine at lumagda sa Universal Music Group noong Nobyembre dahil alam umano ng singer na ang re-signing niya sa Label Group, ang namamahala sa kanya mula noong 15 years old pa lamang siya, ay mangangahulugang “not owning her future work.”
“When I left my masters in (Big Machine Label Group founder Scott Borchetta’s) hands, I made peace with the fact that eventually he would sell them,”aniya. “Never in my worst nightmares did I imagine the buyer would be Scooter.”
Giit ng singer, nakakuha ng dalawang client si Scooter, kabilang si Justin Bieber, para i-bully siya online tungkol sa isang “leaked and illegally recorded snippet of a phone call she had with Kardashian.” Binanggit din ng singer ang scenario kung saan nag-organized si Kanye, client ni Scooter, ng isang “revenge porn music video which strips my body naked.”
“My musical legacy is about to lie in the hands of someone who tried to dismantle it,” saad pa ni Taylor.
Hindi naman tumugon ang representative ng Braun and Borchetta tungkol sa naging pahayag ng singer.
Samantala nitong Linggo, tumugon si Justin Bieber sa post sa Instagram, na humingi ng tawad “for hurting her at the time,” at pinagtanggol si Scooter na wala umanong kinalaman sa lahat ng nangyari sa singer.
“For you to take it to social media and get people to hate on (S)cooter isn’t fair,” pahayag ni Justin.
Tinapos naman ni Taylor ang kanyang post sa pagpapasalamat na “[she] signed to a label that believes I should own anything I create.”
Nagpahayag din siya ng advocacy para sa artist ownership ng mga kanta at umaasa na “next generation will read this and learn about how to better protect themselves in a negotiation.”
“I will always be proud of my past work,” dagdag pa niya, na sinundan pa ng pagpa-plug ng kanyang bagong album, ang Lover, na ire-release na sa susunod na buwan.
-Associated Press