MAGKASABAY na ipinarada ang galing ng basketbolistang Pinoy at tibay ng mga makabagong kagamitan ng Taiwan sa Taiwan Excellence 3x3 Hoop Challenge nitong Linggo sa SM Megamall Event Center sa Mandaluyong City.

Kabuuang 768 young athletes ang sumabak sa kompetisyon na isa sa aktibidad ng Taiwan Excellence na taon-taong nagpapalabas nang pinakabago, pinakamatitibay at world-class na produkto.
“We want this to be an avenue to inspire young Filipinos to always strive to reach their very best, in the same way Taiwan Excellence pushes its brands to always innovative and upgrade,” pahayag ni Chun Tse Wu, director of the Strategic Marketing Department of Taiwan External Trade Center.
Mula sa elimination round, ang 192 teams sa dalawang division -- 19-under at Open – ay natapyas saw along koponan na nagkasagupa sa Final round na sinaksihan ng magkapatid at brand ambassadors na sina Kobe at Andre Paras.
Sa huli, nagtagumpay ang Annie’s Way-AMA 1 – binubuo nina Zheanriz Romero, Earl Bryan Ceniza, Joshua Villamor, at Josh Reymond Colina – sa 19-under, habang kampeon ang Annie’s Way-AMA 2 nina Joshua Sabile, Christian Germino, at Alec Catorce sa Open class.
Habang mainit ang tagpong mga laro, dinumog naman ang weekend shoppers ang mga produkto na inilabas ng Taiwan Excellence.
“The products from Taiwan Excellence are made to comply with our strictest standards, making sure they elevate the quality of life of every consumer worldwide,” ayon kay Wu.
Kabuuang 11 brands ang nakadisplay sa Taiwan Excellence Experience Zone.
Para sa tech-savvy at e-Sports aficionados, ibinida ng ZYXEL ang Multy U na makapagbibigay ng tuloy-tuloy na serbisyo sa WIFI connection, gayundin ang mga INWIN powerful gadgets.
Ipinakilala naman ng HAPPY ISLAND ang water-proof music player na magagamit ng mga swimmers, habang ang JOHNSON FITNESS ay akma para sa pangangalaga na kalusugan.
Para sa mga kawani na nais umiwas sa trapiko, ang matitibay at maaasahan na KYMCO motorcycles at urban-ready foldable bicycles ng TERN ay tiyak na pasok sa panganilangan ng Pinoy.
“Moving around the busy Metro is now more rewarding with the bikes from Tern,” pahayag ni Kobe, lalaro sa unang pagkakataon sa UP Maroons para sa UAAP Season 83.