HINDI nakaporma ang Team Philippines sa masiglang simula ng Austria para makamit ang 3-11 kabiguan sa finals ng BetVictor World Cup of PooL nitong Linggo sa Morningside Arena sa Leicester, England.

Ang Austria team na binubuo nina Mario He at Albin Ouschan ay nagbukas ng 4-2 hanggang 8-3 lead at hindi na lumingon pa laban kina PH tandem Jeffrey De Luna at Carlo Biado. Natangap ng dalawa ang US$60,000, habang nagkasya ang Filipinos sa runner-up purse na US$30,000.

Bago makapasok sa finals, giniba ng Philippines ang Netherlands, 9-6, habang pinatalsik ng Austria ang Spain, 9-3.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya