NA G I N G matagumpay ang katatapos lamang na Metro Manila Pride March na ginanap sa Marikina City at dinaluhan ng 70, 000. Ilang celebrity din ang sumali sa parade at hindi inalintana ng mga ito ang pag-ulan sa kasagsagan ng parade. Ibinahagi ng Filipino- Iranian TV personality, fashion lifestyle host, at transgender woman na si Angelina Mead King sa social media account niya ang groupie picture nila ng mga aktres na sina Iza Calzado, Nadine Lustre, Janine Gutierrez, Mari Jasmine, film director Samantha Lee, at celebrity photographer BJ Pascual.

Janine, Nadine, Angelina, BJ, Mari Jasmine, Iza at Samantha

“Wow what an amazing turnout! This is half the group only that came with us! Thank you to @missizacalzado for the photo! Full support!,” caption niya sa post.

Sinundan niya ito ng isang maikling video clip kung saan mapapanood ang behind-the-scenes sa parade.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“We are stronger when we are united, rain or shine we will be seen and we will be heard! Even in the rain 70,000 strong came to support the LGBTQIA+ community! Thank you to everyone that came to support us. PLEASE SHARE THE VIDEO. Full video link in my BIO!,” caption niya sa video.

Nag-post din si Iza sa sariling social media account na espesyal sa kanya ang event.

Samantala, nilagdaan ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang ordinansang anti-discrimination matapos na magtalumpati sa harap ng LGBTQIA+ community.

Nakasaad sa ipinasang City Ordinance No. 065 o ang “Anti-Discrimination Ordinance of Mar ikina Ci ty”, ang pagbibigay ng pantay na karapatan at oportunidad sa lahat ng miyembro ng LGBTQIA+.

-STEPHANIE MARIE BERNARDINO